Taylor at Travis opisyal nang Inanunsyo ang Engagement
Ang American singer song- writer na si Taylor Swift at ang Kansas City Chiefs superstar na si Travis Kelce ay engaged na! Ibinahagi nila sa kanilang official Instagram account ang good news sa kanilang engagement kasama ang ilang litraro mula sa sweet proposal nila. Kitang-kita sa mga litrato ang sobrang saya at pagmahalan ng dalawa. “Your English teacher and your gym teacher are getting married, " saad sa post.
Matatandaan na unang nagkita sina Taylor at Travis noong July 2023, sa "The Era's Tour" ni Taylor at mula noon, naging usap-usapan na ang dalawa tungkol sa kanilang relasyon, lalo na't madalas makita si Taylor Swift na sumusuporta kay Travis sa mga laro ng Kansas City Chiefs sa National Football League (NFL).
Maraming mga fans ang nagulat, natuwa tungkol sa balita at nagbigay mensahe para sa kanilang engagement. Nagpaabot rin ng mensahe online ang National Football League (NFL) na ipinost ang balita tungkol sa inanunsyong engagement ng dalawa sa kanilang Instagram, at nakasaad ang "congratulations sa kay Travis at Taylor" sa X.
Sa ngayon ay wala pang detalyeng ibinahagi ang dalawa kung kailan magaganap ang kanilang kasal, ngunit tiyak ito na magiging isa sa magandang kaganapan at kaabang abang na balita para sa kanilang mga fans.

No comments:
Post a Comment