Vice Ganda matapos ang ilang araw na pahinga sa Showtime, Happy to be back!
Balik-ganap si Vice Ganda sa noontime show na “It's Showtime”, matapos ang ilang araw na wala ito dahil naging abala sa mga personal na gawain. Abala ang Unkabogable Star nitong mga nakaraang araw dahil siya ay naghahanda sa nalalapit na concert na “Super Divas” kasama si Asia's Songbird Regine Velasquez. Kaya naman nitong sabado, Agosto 16, siya ay binati ng kanyang kapwa hosts. “I'm so happy to be back! Nakapagpahinga na ako', masiglang hirit ni Vice. Chika pa niya, “Gumagalaw na yung legs ko ulit”. Humaba yung tulog ko,nai-relax ko yung legs ko, yung tuhod ko lumambot na ulit, at yung daliri ko sa paa gumagalaw na ulit.”Bukod sa pagpapasalamat sa mga sumusuporta sa kanyang matagumpay na two-night concert ang komedyante ay proud ding binalita sa marami ang kanyang malaking achievement na pagkaka-nominate sa FAMAS Best Actor Award.

No comments:
Post a Comment