Social Media

Saturday, September 6, 2025

Flood controll projects o flood profits? Discaya couple binusisi

                   


    Noong Hulyo, dumaan ang bagyong Crising kasama ng habagat, nagdulot ng matinding pagbaha. Maraming namatay at bilyon-bilyon ang pinsala. Kaya, muling napag-usapan kung saan napupunta ang pondo para sa flood control.

    Sa isyung ito, laging lumulutang ang pangalan ng mag-asawang Pacifico “Curlee” II at Cezarah “Sarah” Discaya. Kilala silang Hari at Reyna ng Flood Control dahil sa dami ng proyektong nakuha ng mga kumpanya nila.

    Anim na construction firms na hawak ng pamilya ang nakakuha ng halos 345 projects na nagkakahalaga ng ₱25.2 bilyon. Para ikumpara, tatlong beses itong mas malaki sa budget para sa pabahay sa 2025.

    Ayon kay Pasig Mayor Vico Sotto, may tatlong iba pang firms na konektado pa rin sa pamilya Discaya. Ang ilan dito, may joint venture pa kasama ng mga kumpanya nila.

    At kung yaman ang usapan, lantaran nila itong ipinapakita. Isang mansyon na may chandelier at crystal statues, plus garahe na puno ng 40 luxury cars. Ayon sa ulat, nasa ₱337M hanggang ₱465M ang halaga ng koleksyon.

No comments:

Post a Comment