Social Media

Tuesday, August 26, 2025

MAKI-nang na Pangarap

 


                                                                    Kolorcoaster

    Isa sa mga pinakasikat na bagong pangalan sa OPM ay si Maki, na ngayon ay handa nang tumapak sa mas malaking entablado. Inihayag niya ang kanyang pinakamalaking konsiyerto na pinamagatang Kolorcoaster na gaganapin sa Araneta Coliseum ngayong Nobyembre 2025.

    Nakilala si Maki sa kanyang mga kantang puno ng damdamin at emosyon. Madaming mga kabataan ang nakaka relate sa kanyang mga awitin, kaya mabilis siyang naging boses o idolo ng bagong henerasyon.     Ang Kolorcoaster ay hindi basta simpleng pagtatanghal kundi isang karanasang musikal. Ayon kay Maki, ito ay maghahatid ng emosyon, kulay, at visual na palabas na parang pagsakay sa isang rollercoaster.     Mula sa maliliit na online performances, ngayon ay nakatayo siya sa isa sa pinakamalalaking entablado ng bansa. Ang kanyang pag-angat ay patunay na kayang abutin ang pangarap sa pamamagitan ng sipag at tiyaga.     Para kay Maki, ang konsiyertong ito ay higit pa sa musika ito ay isang selebrasyon ng pangarap at kabataan. Sa Nobyembre, libo-libong tagahanga ang magsasama-sama upang masaksihan ang isang gabi ng inspirasyon at alaala.

No comments:

Post a Comment