Spider-Man Brand New Day ay opisyal nang ipapalabas sa Hulyo 31, 2026
Muli nang magbabalik ang American superhero film na nakabase sa Marvel Comics karakter na si Spider-Man sa kaniyang pelikulang Spider- Man Brand New Day. Ito ay sinadya na maging ika-38 na pelikula ng Marvel Cinematic Universe (MCU) at pang apat na pelikula sa MCU Spider-Man series na sumunod sa Spider-Man: No Way Home. Ang pelikula ay naka iskedyul na ipapalabas sa United States sa Hulyo 31, 2026
Ang pangunahing karakter sa pelikula ay sina Tom Holland na gaganap bilang Spider-Man o Peter Parker, Mark Ruffalo bilang Hulk o Bruce Banner, Zendaya bilang Michelle Jones, Jon Bernthal bilang Frank Castle, Jacob Batalon bilang Ned Leeds, Michael Mando bilang Mac Gargan, habang sina Sadie Sink at Liza Colón-Zayas ay kabilang sa gaganap na mga karakter ngunit walang pang kompirmadong karakter. Maraming mga fans ang nausisa bakit nga daw Spider-Man Brand New Day ang titulo ng pelikula, noong Sony's CinemaCon panel ng katapusan ng buwan, Holland at Cretton ay inihayag na ang titulo raw ay Spider-Man Brand New Day ay kinuha galing sa 2008 comic book year storyline. Inilarawan ni Holland na ang pelikula ay "fresh start" na sumunod sa wakas ng No Way Home. At noong Agosto 3, 2025 nga ay nag umpisa na gumawa ng pelikula sa Glasgow, Scotland na nasa ilalim ng titulong trabaho ng Blue Oasis kasama si Brett Pawlak na nagbabalik bilang cinematograper galing sa mga pelikula ni Cretton. Sabik na sabik si Holland sa pag umpisa sa paggawa ng pelikula, bumalik sa naramdamang emosyon noong gumawa ng Homecoming, pagkatapos ng produksyon ng No way Home ay narestriktado ang soundstage dahil sa covid-19 pandemic. Samantala, noong nakaraang linggo nga lang ay nag viral sa facebook at iba pang social media platform ang mga video at larawan sakaniya ng mga fans habang siya ay gumagawa ng mabighaning aksiyon moves.
Sama-sama tayong maghintay sa susunod na taon para sa paglabas Spider-Man Brand New Day. Tayo ay manood upang masaksihan ang matinding aksiyong eksena sa pelikula.

No comments:
Post a Comment