Social Media

Sunday, August 17, 2025

K-pop Addiction: Kapakanan na natatamo sa Kpop ng Kabataan

     
       Ang mundo ng k-pop ay tila nakatuon talaga sa musika, gayon pa man ganon na lamang ang pagkawili ng kabataan dito. Gumawa ng kanilang mga sariling fandom na halos kalahati sa populasyon ng kabataan ay nakibahagi. Ang malaking tanong ng karamihan, bakit ganoon na lamang ang epekto nito sa mga tao lalong lalo na sa mga kabataang Pilipino.

        Ayon sa mga mamamayang hindi kabilang sa fandom ng k-
pop, isa sa mga rason kung bakit naadik ang mga kabataan ay dahil hindi lamang sa aliw na natatamasa nila kundi pati na rin ang pagbibigay nito ng inspirasiyon.

        Ang inspirasiyon na ito ay nakaapekto sa kanilang pisikal na anyo na kung saan pati ang kanilang pananamit ay pareho na sa kanilang iniidolo Maliban pa riyan, natuto na rin silang magtipid, hindi dahil para sa kanilang edukasyon kundi para sa pambili nila ng mga photocards.

       Ang matinding paghanga na nararamdaman ng fans sa kanilang  mga iniidolo ay nabuo dahil sa social media, music videos, at reality shows. Dahil rito, sila ay nagkaroon ng matinding koneksiyon sa kanilang mga iniidolo. Sila ay nakahanap ng motibasyon at pag-asa sa gitna ng kalungkutan sa pamamagitan ng kpop.

        Ngayon ay nalaman na ng mga tao kung bakit nga ba naaadik ang mga kabataan sa kpop. Lumabas na hindi lamang pala kasiyahan ay nakukuha nila kundi pati na rin ang suporta at motibasyon. Ngunit, tandaan natin na lahat ng sobra ay hindi mainam, lahat ay may limitasiyon,

        

No comments:

Post a Comment