Ano nga ba ang naging hadlang at tagumpay sa buhay ng isang Chinese-Filipino na si Henry Sy?
Si Henry Sy ay isang Chinese-Filipino entrepeneur, ipinanganak sa China noong Oktubkre 15, 1924. Ipininganak siyang mahirap kung kaya't napilitan itong pumunta sa Pilipinas. Subalit, ang kaniyang pamumuhay sa bansa ay hindi naging madali.
Ang kaniyang pamumuhay sa bansa ay nagkaroon din ng matinding paghihirap, ngunit hindi ito naging hadlang kay Sy upang ipagpapatuloy ang nasimulan. Sinubukan niya ang iba't ibang trabaho upang matustusan ang kaniyang pag-aaral.
Ang takbo ng negosyo ni Sy ay nagsimula sa maliit tindahan na tinatawag na "Shoe Mart". Maliban pa rito, nagawa niyang magtayo ng sariling imperyo kasama na rito ang SM Investment Coorporation.
Ang itinayong mall ni Sy ay labis na nakatulong sa mga Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng trabaho at negosyo. Dagdag pa rito, itinatag ni Sy ang Sm Foundation na tumutulong sa edukasyon, kalusugan, at pangkabuhayan.
Sa huli, si Henry ay nakapagtayo ng kaniyang kompanya sa iba't ibang lugar. Lumago nang lumago ang kaniyang negosyo hanggang tuluyan itong dumami ang branches sa iba't ibang panig ng bansa.

No comments:
Post a Comment