Selpon para sa edukasyon o libro? Ang bawat pahina ng libro ay mahalaga, ika nga ng marami. Ngunit sa panahon ngayon, unti-unting nawawalan ng saysay ang aklat dahil sa pagusbong ng makabagong teknolohiya.
Sabi nga ng aking magulang noon, sa panahon nila kapag sila ay may asignaturang kinakailangan isaliksik, aklat ang kanilang takbuhan.
Dito ay magbabasa at hahanapin nila ang mga impormasiyong kinakailangan nila. Ngunit, sa paglipas panahon at sa pag-usbong ng makabagong teknolohiya, ang pagbabasa ng librong pang edukasiyon ay unti-unting nababawasan.
Si Marian ay isang mag-aaral sa PNU, katulad ko rin siyang mahilig magbasa ng libro, ngunit dahil sa pagsikat ng gadyet, siya ay nangarap din mabigyan, kaya't tinupad ito ng kaniyang mga magulang sa kaniyang kaarawan.
Sa paglipas ng mga buwan, ang kahiligang gawain ni Marian tulad ng pagbabasa ng libro ay nahinto dahil sa madalas na pagbabad ni Marian sa kaniyang selpon, madalas nalilipasan na siya ng gutom at laging puyat.
Dahil rito, naapektuhan ang kalusugan ni Marian, isinugod siya sa pinakamalapit na hospital dahil sa kaniyang lubos na paggamit ng gadyet. Ayon sa mga doktor, naapektuhan nang malala ang kaniyang kung kaya't siya ay nagkaroon ng seizures.
Ang sitwasiyon ni Marian ay isa lamang sa mga halimbawa ng sobrang paggamit ng gadyet. Bakit nga ba mas pinipili ng mga kabataan ngayon na mas tutukan ang paggamit ng gadyet kesa sa pagbasa ng libro? dahil ba ay nakasasawa itong gawin? ngunit hindi ba't nakasasama lamang ito sa ating kalusugan? Ang paggamit ng selpon ay hindi ipinagbabawal ngunit dapat limitahan.
Lagi nating tandaan na ang paggamit ng gadyet ay dapat may limitasyon upang hindi magkaroon ng masamang epekto sa ating sariling katawan. Ang katawan ay inaalagaan hindi pinababayaan, sa kabila ng pag-usbong ng makabagong teknolohiya, mahalaga pa rin na alalahhanin na ang lahat ay may limitasyon, nilikha upang mapakinabang hindi upang maging sanhi ng kapabayaan.

No comments:
Post a Comment