Bakit nga ba mahalaga ang journalismo sa kabataan? ano nga ba ang tunay na papel ng journalismo sa kanila? Ano nga ba ang dapat nating gawin sa mga taong puno mali lamang ang lumalabas sa kanilang mga bibig, mga impormasiyong hindi mapapakinabangan?
Sa pag-usbong ng bagong henerasyon ngayon, mas mahalaga na mamulat tayo sa mga isyung nangyayari sa ating paligid. Hindi sapat para sa kabataan na tumanggap lamang ng impormasiyon, alamin din kung ito ba ay makabuluhan at makatotohanan.
Katulad na lamang sa ng nangyari kay Marc, isang mag-aaral na walang pakialam sa mga isyung nakapalibot sa kaniya kung kaya't ganon na lamang ang kaniyang panlulumo nang nalaman niyang siya'y nakatanggap ng maling impormasiyon kaugnay sa pagsusupende ng klase. Dahil dito, nakatanggap siya ng pangungutya dahil sa kaniyang ginawa.
Dumating ang araw na pinayuhan siya ng kaniyang mga kaibigan na mag-aral ng journalismo. Sumang-ayon naman agad si Marc, dahil dito natutuo siyang mag mag-unawa ukol sa mga impormasiyong kaniyang natatanggap.
Ang kwento ni Marc ay isa lamang halimbawa na ang Journalismo ay isang instrumento tungo sa pagkatuto ng kabataan na magsaliksik at magsalita ng mas makatotohanan.
Sa huli, lagi nating tandaan na ang Journalismo ay hindi lamnang tungkol sa paghahasa ng kaalaman ngunit kasama na rito ang pagbibigay rin ng tamang impormsiyon sapagkat ang mga kabataang may kaalaman sa pagsasalita ng makatotohanan ay ang mga kabataang may kakayahang ipaglaban ang katotohanan.

No comments:
Post a Comment